Mga Pilipino, hinimok na mag-early summer vacation

Pinagbabakasyon ng maaga ni House Committee on Transportation Edgar Mary Sarmiento ang mga Pilipino para matulungan ang bansa sa pagkalugi sa tourism sector.

Hiling ni Sarmiento sa publiko, na magplano ng maagang summer vacation o outings sa mga tourism destinations ng bansa upang mapalakas ang turismo sa kabila ng banta ng COVID-19.

Hinikayat ng kongresista ang mga local government units o LGUs na huwag magpanic at iwasan na ang pag-i-isyu ng lockdown sa mga hotels, resorts at iba pang pasyalan.


Giit ng mambabatas, wala namang dahilan para magpatupad ng lockdown orders ang mga LGUs dahil nananatili pa ring ligtas ang Pilipinas sa epekto ng COVID-19.

Tiniyak din umano sa kanya ng mga stakeholders at transportation sector sa ginawang pagdinig kamakailan ng komite na naglatag ang mga ito ng safety measures para matiyak na lahat ng mga pasahero ay nasusuri kung nagtataglay ang mga ito ng sintomas ng virus.

Suportado din ni Sarmiento ang hakbang ng gobyerno na palakasin at suportahan ang domestic tourism para makontra ang negatibong epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments