Manila, Philippines – Hinikayat ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang mga Pilipino na unahing pasyalan ang magagandang lugar sa Pilipinas bago dumayo sa ibang bansa ngayon summer season.
Ayon kay Baguilat, magpapalakas ito sa turismo na nagpapasigla naman sa ekonomiya dahil sa malaking kita sa mga hotel, restaurants, tour operators at sa mga lokal na pamahalaan.
Sabi ng kongresista, ang local travel ay nangangahulugan ng kabuhayan para sa mga kapwa-Pilipino.
Mainam rin naman anya ang bumiyahe abroad pero dapat mas prayoridad ang pagkilala sa sariling atin.
Kasabay nito’y hinimok ni Baguilat ang gobyerno na tugunan ang mga problema sa peace and order at imprastraktura para mas maging maginhawa sa local at foreign tourists ang biyahe sa kanilang mga destinasyon.
Binanggit nito na base sa pag-aaral ay bumaba ang tourism competitiveness ng Pilipinas dahil sa security concerns na maaaring nakaapekto sa tourists arrival.
DZXL558