Mga Pilipino, makakapamili na ng gusto nilang COVID-19 vaccine pagsapit ng Agosto

Tiniyak ni Vaccine Czar at Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na makakapamili na ang ating mga kababayan ng brand ng bakuna na nais nila pagdating ng buwan ng Agosto hanggang Disyembre.

Ginawa ni Galvez ang garantiya sa gitna ng paninigurong pitong vaccine brands na ang naririto sa bansa sa nasabing mga buwan.

Sa ngayon, sabi ng kalihim ay Sinovac at AstraZeneca pa lang ang naririto sa Pilipinas pero susunod na aniya ang Gamaleya ng Russia.


Tatanggap din ang bansa sa mga susunod na buwan ng Moderna, Novavax, Johnson & Johnson gayundin ng Pfizer.

Sa ngayon ay nakapagbakuna na ang pamahalaan ng higit sa 1.5 milyong mga Pilipino na kasama sa A1 hanggang A3 priority list o medical health workers, senior citizens at may comorbidities.

Facebook Comments