Mga Pilipino mula sa bansang sakop ng travel ban, maaaring umuwi sa Pilipinas – Palasyo

Nilinaw ng Malacañang na ang mga Pilipinong sakop ng repatriation efforts sa mga bansang kabilang sa travel ban dahil sa COVID-19 ‘Delta’ variant ay maaaring makauwi sa Pilipinas pero sasailalim sa quarantine at testing protocols.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos palawigin ng pamahalaan ang restrictions sa mga pasaherong magmumula sa India, Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh, Nepal, United Arab Emirates, at Oman hanggang June 30, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sakop ng ban ang mga Pilipinong biyahero lalo na ang mga sakop ng repatriation programs.


Layunin ng travel ban na mapigilang makapasok sa bansa ang mas nakakahawang variant na unang na-detect sa India.

Nabatid na ito ang pangalawang beses na pinalawig ng pamahalaan ang travel restrictions mula sa pitong bansa.

Facebook Comments