
Nagbabala ang Embahada ng Pilipinas sa Pakistan sa mga Pinoy na kasalukuyang nanunuluyan doon lalo na ang mga malapit sa line of control.
Ayon sa Embahada, pinapayuhan nila ang mga Pinoy na naninirahan o nagtatrabaho partikular na sa Bhimber City at Ashad Kasmir dahil na rin sa pagdedeklara ng red alert ng Pakistan.
Pinaiiwas muna ang mga pinoy na bumiyahe lalo na sa mga lugar na Sialkot line of control, mas maigi umanong manatili na lamang sa mga tahanan at mag-monitor sa mga advisory na inilalabas ng embahada.
Tiyakin rin na may sapat na load at baterya ang mga mobile phone para sa mas mabilis na komunikasyon.
Facebook Comments









