Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong handa nang magpabakuna laban sa COVID-19.
Batay sa Pulse Asia survey, tumaas ng 43% mula sa 16% na naitala noong Pebrero ang mga Pilipinong handa nang magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Nasa 36% naman ang ayaw pa ring magpabakuna habang 16 percent ng mga Pinoy ang hindi nakakatiyak na mababakunahan at 5% ang nabakunahan, fully o partially.
Sa pareho ring survey, 55% ng mga handang magpabakuna ay mula sa National Capital Region na sinundan ng Mindanao sa 48%.
Ang Pulse Asia survey ay isinagawa noong Hunyo sa 2, 400 respondets na may edad 18 pataas.
Facebook Comments