Mga Pilipino, nagbabayad ng sobrang mahal pero mabagal na internet services – World Bank

Lumabas sa pag-aaral ng World Bank at ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagbabayad ang mga Pilipino ng mahal pero nakapakabagal na internet services sa mundo.

Batay sa “A Better Normal Under COVID-19: Digitalizing the Economy Now” report, napapag-iwanan na ang Pilipinas sa mga middle-income nations sa Southeast Asia pagdating sa dalawang indicators kaugnay sa internet services.

Nakasaad sa report, 57% ng Filipino households o 12.2 milyon na pamilya ang hindi nakakonek sa internet, habang ang mga mayroong internet access ay nakararanas ng mabagal na download speeds.


Ang average mobile broadband download speed sa bansa ay 16.76 megabytes per second (mbps), mababa sa global average na 32.01 mbps.

Ang 3G/4G mobile average download speed sa Pilipinas ay nasa 7 mbps lamang, malayo sa ASEAN average na nasa 13.26 mbps.

Pagdating sa presyo, ang halaga ng fixed broadband plan sa Pilipinas ay halos kaparehas ng broadband plans ng Singapore at Thailand na mayroong pinakamabilis na internet sa rehiyon.

Para sa prepaid, ang mobile broadband, ang 500 megabyte Internet Service ay nagkakahalaga ng 6.3 US dollars kada buwan sa Pilipinas, ika-apat sa may pinamakataas sa ASEAN pagkatapos ng Singapore, Brunei at Malaysia.

Ang problema ng internet sa Pilipinas ay kawalan ng digital infrastructure, matagal na duopoly ng telecommunications sector at outdated na regulatory rules.

Isa pang isyung natukoy ay ang pagtatalaga sa telecommunications bilang public utility sa Pilipinas, kung saan nalilimitahan ang foreign ownership.

Sinabi ni Socioeconomic Planning Undersecretary Rosemarie Edillon, ang paggamit ng digital technology ay naging mahalagang bahagi na ng buhay ng bawat Pilipino lalo na sa pagbangon mula sa pandemya.

Para naman kay Ndiame Diop World Bank Country Director for Philippines, ang internet connectivity sa bansa ay pundasyon ng digital economy subalit limitado pa rin ito sa rural areas, ang serbisyo ay mahal at mababa ang kalidad.

Iginiit naman ni World Bank economist Kevin Chua na kailangang magkaroon ng digital adoption sa gobyerno, sa mga negosyo at mismong sa mga mamamayan.

Facebook Comments