Mga Pilipino OFWs na mula sa Malaysia, nakauwi na sa Pilipinas matapos mapagkalooban ng amnestiya

Manila, Philippines – Nakauwi ang nasa 75 mga pilipino OFWs na nang galing sa Sarawak Malaysia na nakapagkalooban ng amnesty program ng pamahalaan.

Alas 4:02 ng madaling araw ng lumapag ang Cebu Pacific flight 5J 374 na nanggaling sa Kota Kinabalu.

Sakay ng nasabing eroplano ang mga Pilipino OFWs na tumakas sa kanilang mga amo, overstaying at iligal na nagtratrabaho sa ibang bansa pero gusto ng umuwi ng Pilipinas.


Kung maalala nananawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga undocumented OFWs na samantalahin ang ibinibigay sa kanila na amnestiya.

Sa ngayon extended ang pag papahistro sa nasabing programa hanggang sa July 24 o sa SONA ng pangulo.

Facebook Comments