Mga Pilipino, posibleng hirap intindihin ang federalism

Manila, Philippines – Naniniwala si Senate President Tito Sotto III na posibleng hirap ang mga Pilipino na unawain ang masalimuot na detalye ng pederalismo.

Pahayag ito ni Sotto makaraang lumabas sa survey ng Social Weather Station o SWS na tatlo sa bawat apat na Pilipino ang hindi nakakaalam sa panukalang pagpalit ng sistema ng gobyerno sa pederalismo.

Bunsod nito ay sinabi ni Sotto, na kailangan pang paigtingin ang pagpapakalat ng impormasyon ukol sa federalism.


Ayon kay Sotto, kailangang gawing simple at hindi boring ang paraan nito tulad ng paggamit ng bullet points o kaya ay katulad sa istilo ng pagbabalita.

Diin ni Sotto, dahil hindi pa lubos ang kaalaman ay hindi pa makakapag desisyon ang mamamayang Pilipino kung pabor ba o hindi ang mga ito na palitan ng pederalismo ang kasalukuyang porma ng ating gobyerno.

Facebook Comments