Manila, Philippines – Nagbabala ang isang mambabatas na posibleng bumwelta sa mga Pilipino ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumayas na ang mga ambassadors ng Europian Union sa bansa.
Paalala ni Akbayan Rep. Tom Villarin sa Pangulo na maghinay-hinay ito sa mga slita dahil maraming mga Pilipino ang mga nasa bansa ng EU.
Maliban dito ay pumapangalawa pa ang EU sa pinakamalaking trading partner ng Pilipinas.
Dapat aniyang isaalang-alang ng Pangulo ang kalagayan ng maraming mga Pilipino sa EU at maging sa ibang panig ng mundo.
Sinabi pa ni Villarin na ang papapalayas sa mga EU ambassadors ay pagpapakita kung gaano ka-immature at ka-insecure ang Pangulo pagdating sa international relations.
Kung napupuna man ang mga polisiya ng Pangulo hindi naman ito panghihimasok sa problema at mga patakaran ng bansa kundi ito lamang ay pagpapakita ng malasakit sa mga nalalabag na karapatan sa bansa.