Mga Pilipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19, pumalo na sa halos 500

Nadagdagan ng 26 na panibagong kaso ang mga Pilipino workers abroad na tinamaan ng COVID-19.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), pumalo na sa 2,431 ang mga pinoy mula sa 46  mga bansa ang mayroong COVID-19.

Sa nasabing bilang, 1,300 rito ang ginagamot sa mga ospital habang 21 ang dumagdag sa mga gumaling sa sakit na umabot na sa 849.


Sa kabila ito, umabot naman na sa 280 ang mga nasawi matapos madagdagan ng isang fatality.

Facebook Comments