Mga Pilipino sa Afghanistan, hinimok ng DFA na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Pakistan

Inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Afghanistan sa harap ng pagkaka-take over ng Taliban Forces sa Afghan government.

Hinimok ng DFA ang mga Pinoy sa Afghanistan na agad na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Pakistan para sa agarang repatriation.

Ilang Pinoy sa Afghanistan ang natatakot na sa sitwasyon doon at naghihintay na ng paglilikas sa kanila pauwi ng Pilipinas.


Una nang nagkasa ang DFA ng mandatory repatriation sa mga Pinoy sa Afghanistan.

Sa ngayon, 130 pa ang mga Pilipino sa nasabing bansa.

Facebook Comments