Mga Pilipino sa China, hindi maaring paghinalaan na espiya

Pinalagan ng ilang senador ang pahayag ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na pwede ring pagsuspetsahan ang mga Filipino sa China na nag-eespiya tulad ng hinala natin sa mga Chinese workers dito sa bansa.

 

Ito ay makaraang maghayag ng pagkabahala si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga Philippine Offshore Gaming Operations o POGO na nakapwesto malapit sa mga kampo ng militar.

 

Ayon kay Senator Koko Pimentel, garantisado na ang mga pilipino sa China ay para sa pagtatrabaho at hindi para mag-espiya.


 

Itinuturing naman kay Senator Risa Hontiveros ang nabangbit na pahayag ng Chinese ambassador bilang banta sa buhay ng ating mga kababayang Pilipino sa China.

 

Diin ni Hontiveros, walang kasaysayan ng pag-i-espiya ang mga pilipino.

 

Giit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, isang kalokohan at imposible na mas atupagin pa ng mga Pilipino sa China ang mag-espiya kesa maghanap ng trabaho at mapagkakakitaan.

Facebook Comments