Mga Pilipino sa Estados Unidos, pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas sa Washington matapos ang karahasan sa mga Asyano

Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Washington ang mga Pilipinong naninirahan sa Estados Unidos.

Inabiso ito ng embahada sa gitna ng pagdami ng hate crimes laban sa mga Asyano.

Nabatid na kamakailan ay napaulat ang mga insidente ng pag-atake sa mga Asian-Americans gaya ng pagnanakaw, pananakot at racism.


Pero sa kabila ng mga ito ay ikinalugod naman ng embahada ang mabilis na aksyon sa mga nahuling gumagawa nito.

Gayunman, nananawagan pa rin ang embahada sa mga otoridad na tiyakin ang seguridad ng lahat ng mga Asyano kabilang na ang mga Pilipinong nasa Amerika.

Facebook Comments