Pinaghahanda na ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt ang mga Pilipino sa Ethiopia para sa posibleng evacuation kasunod ng nagbabantang giyera sa lugar.
Ayon sa embahada, dahil nasa state of emergency ang Ethiopia ay umapela na ang Pasuguan ng Pilipinas sa Cairo sa mga Pilipinong mag-ingat at maging handa.
Pinayuhan din nito ang lahat ng Pilipinong makipag-ugnayan sa Pasuguan at sa Consulado sa Addis Ababa at ibigay ang kinakailangang inpormasyon tulad ng pangalan, address at contact number para makontak sa panahon ng emergency.
Matatandang nitong sabado, nagpadala na ng pwersa ang Estados Unidos sa Ethiopia na mamamagitan sa sigalot sa pagitan ng Ethiopian army at Tigray People’s Liberation Front na tumutungo sa capital ng Addis Ababa.
Tinatayang nasa 800 Pinoy ang nasa Ethiopia kung saan karamihan ay nagtatrabaho bilang technical at vocational instructors, international civil servants at nag-asawa ng Ethiopians.