Umabot na sa 92 mga Pilipino mula sa 70 ang nais nang umuwi ng Pilipinas sa Gaza.
Pero Sa press briefing sa Malacañang, inamin ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo de Vega na mahirap pa rin ang paglilikas sa mga Pilipino sa Gaza.
Kontrolado pa kasi ng Hamas ang Gaza at sa ngayon ay wala itong intensyong makipagkasundo sa Israel.
Sinabi naman ni De Vega na doble kayod ngayon ang embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt at sa Amman, Jordan para makapagtatag ng diplomatic initiatives para mabuksan ang kanilang border nang sa gayon ay mailikas ang mga Pilipinong naiipit sa Gaza.
Gastos naman aniya ng gobyerno ang transportasyon ng mga ito mula Gaza pabalik ng bansa.
Facebook Comments