Mga Pilipino sa Greece, mino-monitor ng Philippine Embassy matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang Pinoy doon

Masusing mino-monitor ng Philippine Embassy sa Athens ang mga Pilipino sa Greece.

Ito ay matapos na magpositibo na rin sa COVID-19 ang isang Pinoy doon.

Tiniyak din ng embahada na tinututukan nila ang kalagayan ng Filipino national na naka-home quarantine ngayon sa Greece matapos makaranas ng mild symptoms ng virus.


Pinakalat na rin ng Philippine Embassy ang kanilang emergency number para sa mangangailangan ng tulong ng mga Pinoy doon

Sa ngayon, 10,193 ang Filipinos sa Greece.

Facebook Comments