Mga Pilipino sa Hawaii, inalerto ng Philippine Consulate sa harap ng pag-alburoto ng bulkan sa Big Island

Inalerto ng Philippine Consulate General sa Honolulu ang Filipino at Filipino-American community sa Hawaii sa harap ng pag-alburoto ng Kilauea volcano, isang active volcano sa Big Island sa Hawaii.

Sa ngayon, nakataas kasi ang alert level ng nasabing bulkan sa “WATCH” at ang aviation color code ay “ORANGE”.

Pinapayuhan din ng mga awtoridad doon ang publiko na maging alerto at maging updated sa mga update ng mga awtoridad.


Ito ay bagama’t sa ngayon ay wala pa namang nakikitang panganib sa publiko ang bulkan.

Facebook Comments