Mga Pilipino sa HongKong, pinag-iingat na rin sa misteryosong Respiratory Infection mula China

Pinag-iingat ang mga Pilipinong nasa Hong Kong laban sa umano’y nakakahawang Respiratory Infection mula sa Wuhan Province, China.

Ito’y matapos itaas ang serious response level sa Hong Kong dahil sa posibilidad na kumalat ang sakit at magdulot ng “Public Health Emergency.”

Sa inilabas na abiso, sinabi ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na naglabas na ang hong Kong Government ng plano para sa paghahanda at pagtugon sa sakit.


Tiniyak ng konsulado na magbibigay ng update ang Hong Kong Government sa publiko ukol sa patuloy na pagsusuri ng sakit.

Pinayuhan din ang mga Filipino na alagaan ang kalusugan at maging maingat sa paghahanda ng pagkain.

Facebook Comments