Patuloy ang panawagan ng Commission on Elections (Comelec) sa mga Filipino sa ibang bansa na magparehistro at upang makaboto sa 2025 midterm elections.
Sa pahayag ni Comelec Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, nasa halos 15 milyon ang bilang ng mga Pinoy abroad pero nasa higit 1.6 milyon lang ang nakapagparehistro.
Sinabi ni Laudiangco na mahaba ang panahon para makapagparehistro kaya’t samantalahin na sana ng mga Pinoy abroad ang pagkakataon upang makaboto.
Nabatid kasi sa datos ng Comelec, noong nakaraang eleksyon ay nasa higit 600,000 lamang na mga Pilipino sa ibang bansa ang bumoto.
Pero ngayon, ikakasa na ang online voting sa mga overseas Filipino, umaasa ang Comelec na marami na ang magpaparehistro upang makibahagi sa susunod na halalan.
Ang mga Pinoy abroad na nais magparehistro ay maaaring magtungo sa mga registration centers kung saan dalhin lamang ang kanilang passport.