
Inalerto ng Philippine Embassy sa Baghdad ang mga Pilipino sa Iraq.
Kasunod ito ng suicide drone attack malapit sa Erbil International Airport.
Bagama’t walang naiulat na casualties o pinsala sa pag-atake dahil na-intercept ito, pinag-iingat ng embahada ang mga Pinoy roon.
Ito ay lalo na’t kinumpirma ng mga awtoridad sa Iraq na nananatiking banta sa seguridad ng nasabing bansa at ng Syria ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Nabatid na bukod sa Erbil International Airport, target din ng mga terorista ang military installations sa paligid ng paliparan.
Facebook Comments









