Mga Pilipino sa Israel, ililikas kapag humupa na ang tensiyon – OWWA

64

Nakaantabay na ngayon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa posibleng paglikas ng mga Pilipinong nasa Israel na naipit dahil sa nagpapatuloy na tensiyon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na hindi naman lahat ng Pilipino ang apektado at malapit sa lugar kung saan nagkakaroon ng airstrikes.


Bagama’t aniya limitado ang posibleng relocations dahil sa saradong airport sa Israel ay tiniyak ni Cacdac na nakahanda silang ilikas ang mga OFW na maiipit sa kaguluhan.

Facebook Comments