Friday, April 10, 2026

Mga Pilipino sa Israel, inalerto ng Philippine Embassy sa pinaigting pang military operation ng Israeli authorities

Inalerto ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang mga Pilipino sa Israel kasunod ng mas pinaigting na military operations ng Israeli authorities.

Pinapayuhan ng embahada ang mga Pinoy na tiyaking malapit sila sa shelter sa kanilang pinagtatrabahuhan at iwasan munang lumabas.

Pinapayuhan din sila na i-charge ang mobile phones at communication devices at maghanda ng pagkain, damit, at mga gamot para sa susunod na tatlong araw.

Hinihimok din ang mga Pinoy na ihanda ang kanilang passports at mga importanteng dokumento.

Nanawagan din ang embahada sa mga Pilipino na mag-avail ng Voluntary Repatriation Program habang available pa ito.

Facebook Comments