Pinag-iingat ng mga Embahada ng Pilipinas ang mga Pilipino sa Israel kasunod ng panibagong kaguluhan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian sa West Bank.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Amman at Tel Aviv, mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon, kalagayan at seguridad ng mga Pilipino sa Gaza southern Israel.
Pinaiiwas din ng embahada ang mga Pilipino na magpunta sa mga sumusunod na lugar:
• Bethlehem, Jericho, Hebron sa West Bank
• Temple Mount, Damascus Gate, Herod’s Gate, Al Wad Road, Musrara Road, sa Jerusalem at ang silangang bahagi nito
• Mga border ng Lebanon at Gaza
• Golan Heights
Pinapayuhan din ang mga Pinoy doon na maging alerto, mag-obserba sa paligid, huwag kuhaan ng litrato o video ang nangyayari at agad lumikas sa mga lugar na may nagaganap na kaguluhan.
Mainam din anilang sundin ang alintuntunin ng Israeli security forces at Home Front Command.