Mga Pilipino sa Japan, ligtas sa naganap na train attack noong Halloween

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Japan na walang Pilipinong nadamay sa nangyaring pag-atake sa isang train sa Tokyo noong Halloween.

Ayon kay Philippine Embassy in Japan Chargé d’Affaires Robespierre Bolivar, mahigpit na nilang binabantayan ang sitwasyon bagama’t nananatiling ligtas ang lahat ng Pilipino sa nasabing bansa.

Hindi bababa sa 10 ang sugatan sa nangyaring pag-atake kung saan ayon sa mga pasahero, nakasuot pa ng costume ng comic book villain na si “Joker” ang suspek.


Sa ngayon, hinikayat ni Bolivar ang mga Pilipino sa Japan na manatiling maingat at ipagbigay-alam agad sa mga otoridad kung may nakikitang kahina-hinalang aktibidad.

Facebook Comments