Mga Pilipino sa Lebanon, hinikayat ng isang kongresista na lumikas na agad

Labis ngayong ikinababahala ni Overseas Filipino Worker (OFW) Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang kalagayan ng mahigit 17,500 na Overseas Filipinos (OFs) at OFWs sa Lebanon.

Bunsod nito ay hinihikayat ni Magsino ang ating mga kababayan sa Lebanon na makipag-ugnayan sa ating embahada at lumikas na agad para mailigtas ang kanilang sarili sa lumalalang tensyong sa naturang rehiyon.

This slideshow requires JavaScript.


Pakiusap ni Magsino sa mga Pilipino, sundin ang abiso ng ating embahada na kung hindi agad sila makaalis sa Lebanon ay lumikas muna sila sa mga karatig lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon, at Bekaa Valley.

Payo ni Magsino sa mga Pilipino, pakatandaan na ang kanilang buhay at kaligtasan ang pinakamahalaga sa panahon na ito.

Bunsod nito ay iginiit ni Magsino sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tiyakin ang pagkalinga sa mga apektadong OFW sa pamamagitan ng agaran at epektibong reintegration programs.

Facebook Comments