Mga Pilipino sa London, nagka-trauma dahil sa naganap na pag-atake sa Westminster Palace

Manila, Philippines – Natatakot ngayong ang maraming mga Pinoy sa United Kingdom kasunod ng pang-aatake sa parliyamento sa London na ikinasawi ng (5) limang katao kabilang na ang salarin, habang 40 naman ang sugatan.

 

Nabatid na nagkaka-trauma ang ilan sa mga ito ngayon kasunod ng pagbalik sa kanila ng pangyayari noong 2012 London attacks.

 

Bunsod din ng pangamba, ngayong araw ay hindi muna lumabas ng bahay at umabsent muna ang ilan sa mga pinoy na nata-trabaho malapit sa pinangyarihan ng pag-atake.

 

ramdam din ang paghigpit ng seguridad sa London kung saan paroo’t parito ang mga sasakyan ng pulisya at mas maraming pulis ang nakakalat.

 

Nananatiling paralisado din ang ilang transportasyon at sarado muna ang mga landmarks na malapit sa parliyamento.

 

Napag-alaman na ang embahada ng Pilipinas sa United Kingdom ay hindi kalayuan sa Westminster Palace na siyang tahanan ng British Parliament.



Facebook Comments