Manila, Philippines – Nanawagan ang Palasyo ng Malacañang sa mga Pilipino sa South Korea at sa Guam na huwag gumawa ng anomang aksyon na makadaragdag o makalilikha ng tension sa kapwa Pilipino sa gitna narin ng banta ng Missile attack ng North Korea.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, lalo lang lalala an gang sitwasyon kung mag papanic lang ang mga Pilipino sa mga nasabing lugar.
Tiniyak naman ni Abella na hindi humihinto ang monitoring ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul at Consulate General sa Agana.
Patuloy din aniya ang pakikipagugnayan ng pamahalaan sa mga Filipino communities sa South Korea at Guam upang matiyak ang kahandaan anoman ang mangyari.
Una na rin naman sinabi ng Office of the Civil Defense na patuloy ang kanilang pagbabantay dito sa bansa at patuloy ang koordinasyon sa mga local na pamahalaan lalo na yung nasa hilagang bahagi ng Pilipinas upang maging handa ang mga ito sakaling pumalya ang missile ng North korea at bumagsak sa karagatang malapit sa Pilipinas ang mga debris nito.
Mga Pilipino sa North Korea at sa Guam dapat kumalma ayon sa Malacañang
Facebook Comments