Mga Pilipino sa Syria, binalaan na rin kaugnay ng illegal recruitment patungong Southeast Asia

Nagbabala na rin ang Philippine Embassy sa Syria kaugnay ng dumadaming kaso ng mga Pinoy na nire-recruit patungong Southeast Asia mula Middle East.

Ang naturang mga Pinoy ay pinagtatrabaho ng criminal syndicates sa cybercrimes.

Sila ay pinangangakuan ng trabahong “customer service representatives” o “call center agents” sa Southeast Asian countries subalit pagdating doon ang kanila palang magiging trabaho ay cryptocurrency at iba pang online scams.


Marami sa mga Pinoy ay nakakaranas na ng physical at psychological abuse dahil sa pinagagawa sa kanilang mabigat na trabaho, sobra-sobrang oras ng pagtranaho, hindi pagpapa-sweldo at kinukumpiska ang passport at mobile phones.

Ilan din sa mga Pinoy ay ibinebenta sa ibang sindikato at ginagawang sex slave.

May mga Pinoy rin na hino-hostage ng sindikato at sinisingil ng malaking halaga kapag gusto nang umalis sa trabaho.

Facebook Comments