Nakatutok ang pamahalaan sa kapakanan ng mga Pilipino sa Taiwan sa harap na rin nang tensyon ngayon sa pagitan ng Taiwan at China
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, siniguro mismo ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman and Resident Representative Silvestre Bello III na walang dapat ipag-alala ang pamilya ng mga Pilipimo sa Taiwan dahil nanatili silang ligtas.
Normal aniya sa ngayon ang sitwasyon doon at patuloy silang naka-monitor sa sitwasyon.
Sinabi pa ni Garafil na maging ang National Police Agency ng Taiwan ay tiniyak kay Bello ang proteksyon at seguridad ng mga Pilipino.
Mayroon din daw 89,000 shelters ang Taiwan na kayang i-accommodate ang buong populasyon ng Taiwan sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng China.
Batay sa rekord ng pamahalaan, 90 percent o 160,000 na mga Pilipino sa Taiwan ay nagtatrabaho sa mga factories habang ang iba ay mga highly skilled teachers, magsasaka, at nagtatrabaho sa hospitality industry.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa byahe nito sa Washington D.C USA na ipagpapatuloy niya ang foreign policy ng kanyang administrasyon na ang Pilipinas ay kaibigan ng lahat ng bansa at wala ni isang kaaway.