Nilinaw ng Malacañang na hindi sakop ng Visa Requirement para sa mga Amerikano ang mga Pilipinong naninirahan o bumibisita sa Estados Unidos.
Matatandaang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na oobligahin ang American Citizens na kumuha ng Visa bago pumasok sa Pilipinas bilang tugon sa Amendment sa 2020 us budget na nagbabawal sa mga indibidwal na nasa likod ng pagpapakulong kay Sen. Leila De Lima na makapasok sa Amerika.
Bukod dito, hindi na rin papapasukin sa Pilipinas sina US Senators Richard Durbin, Patrick Leahy, at Edward Markey.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi kasama sa ultimatum ang mga balikbayan.
Giit ni Panelo, ang pagpapatupad ng Visa Requirements sa Foregn Nationals ay pagtataguyod lamang ng Sovereign Rights at hindi maituturing na insulto sa anumang partikular na komunidad.
Tinawag din ni Panelo na “misplaced” ang pahayag ni Sen. Durbin na ihinto dapat ng administrasyon ang pagbabanta sa Travel ng Filipino-Americans mula sa US patungo sa Pilipinas.