Mga Pilipino sa Wuhan, China, mas mainam na huwag na munang umuwi sa Pilipinas

Sa tingin ni Senator Richard Gordon, mas makakabuti kung hindi na muna babalik sa Pilipinas ang mga pilipino na nasa Wuhan, Hubei, China kung saan kumakalat ang coronavirus.

Ayon kay Gordon, sinabi ng mga nakausap niyang eksperto na ang dapat gawin ng mga pilipino sa China ay manatili sa kanilang mga bahay at sundin ang mga pag-iingat para hindi dapuan ng coronavirus.

Ipinaliwanag ni Gordon na mas delikado kung ibabyahe pauwi ang mga Pinoy sa China dahil baka makuha pa nila ang coronavirus sa paglabas nila sa bahay patungo sa airport.


Pinapakilos na rin ni Gordon ang ating embahada sa China na bigyan ng mask at iba pang pangangailangan ang mga pilipino doon lalo na ang mga nasa Hubei.

Facebook Comments