Nanawagan ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) advocate group sa pamahalaan na ayudahan ang mga Pilipinong apektado ng ipinataw na deployment ban sa Kuwait.
Ayon kay Migrante International Chairperson Joanna Concepcion, apektado ng deployment ban ang kabuhayan ng mga OFW na paalis na sana ng bansa para magtrabaho sa Kuwait.
Nabatid na aabot sa 47,000 na mga Pinoy ang apektado ng pansamantalang deployment ban ng OFW sa Kuwait bunsod ng insidente ng pagpatay kay Jullebee Ranara at pananakit sa kapwa niya domestic helper na si Myla Balbag.
Sa isang recruitment agency pa lamang sa Maynila, mahigit 100 first-time OFWs pa-Kuwait ang apektado ng deployment ban at pino-problema ngayon ang naging gastos sa kanilang aplikasyon na anila’y ipinangutang pa nila.