Mga Pilipinong atletang nag-uwi ng medalya sa SEA Games, nagsimula nang makatanggap ng cash incentives

Nagsimula nang makatanggap ng cash incentives ang mga Pilipinong atletang nag-uwi ng Gintong Medalya sa 30th Southeast Asian Games.

Ang insentibo ay mula sa Philippine Olympic Committee (POC).

Aabot sa 200,000 Pesos ang mga natanggap ng individual Gold Medalist, 100,000 Pesos naman sa bawat miyembro ng doubles, habang 75,000 Pesos pababa sa mga group athletes.


Ayon kay POC President Abraham Tolentino, ito ang unang beses nilang mamahagi ng cash incentive sa mga Pilipinong atleta.

Maliban dito, makakatanggap pa ng insentibo ang mga atleta mula sa Philippine Sports Commission.

Alinsunod sa batas, ang mga nag-uwi ng Gintong Medalya sa SEA Games ay makakatanggap ng 300,000 Pesos, 150,000 Pesos kapag Silver Medal, habang 60,000 Pesos para sa Bronze.

Mayroon namang 250,000 Pesos ang mga Gold Medalist, 150,000 Pesos para sa mga Silver Medalist, at 100,000 Pesos sa bronze medalist na galing kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments