Mga Pilipinong babiyahe sa abroad, pinayuhang makipag-ugnayan muna sa mga konsulada at embahada

Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na makipag-ugnayan muna sa kinauukulang embahada at konsulado bago magbiyahe sa abroad.

Ito ay kasunod ng mga pagbabago sa ipinaiiral na travel restrictions ng ilang bansa sa mga dayuhan kabilang ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon sa DFA, inalis na ng Afghanistan at Laos ang pagbabawal sa pagpasok ng mga Pilipino sa kanilang mga bansa.


Habang ang Malaysia, Nepal, India, Kazakhstan, Czech Republic, Tajikistan, at Hong Kong ay nagpatupad naman ng mas mahigpit na medical protocols at restrictions sa pag-iisyu ng visa sa mga dayuhan.

Nanatili naman ang Mongolia na bukas sa mga bisita pero kailangang magpresinta ng negatibong COVID-19 test at kumpletong dokumento.

Ipinagbabawal naman ang turista sa Japan maliban na lang sa mga estudyante, dependents at technical interns.

Dagdag pa ng DFA, ang mga impormasyong ito ay maaaring mabago anumang araw kaya mahalaga ang koordinasyon.

Facebook Comments