Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kailangan pa rin ng negatibong resulta ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) swab test ng mga outbound travellers.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi sapat na batayan lang ang negatibong resulta ng antigen test.
Aniya, ang antigen test ay inirerekomenda lamang sa mga taong may sintomas ng COVID-19 at sa mga indibidwal na may nakasalamuhang positibo sa virus.
Kinumpirma rin ni Vergeire na pinapayagan na ng pamahalaan ang mga returning Filipino na hindi na sumailalim sa COVID-19 testing kung sila ay ang manggagaling sa mga bansang may low hanggang medium prevalence o mabagal ang transmission ng Coronavirus.
Aniya, kapag asymptomatic ang isang umuwing Pinoy galing abroad ay hindi na ito kailangan mag-quarantine pagkalapag ng paliparan.
Naka-depende naman sa uuwian nitong Local Government Unit (LGUs) kung magpapatupad ng mandatoryong test result bago papasukin ng kanilang teritoryo.