Hindi pa rin tuluyang nakakabangon ang mga Pilipino sa Hawaii na naapektuhan ng wildfire.
Bunga nito, hinatiran sila ng panibagong tulong ng Philippine Consulate General sa Honolulu.
Ilan sa naturang mga Pinoy ay nasunugan ng bahay at namatayan ng miyembro ng pamilya.
Sila ay pinagkalooban ng tulong pinansyal ng pamahalaan ng Pilipinas kabilang na ang Filipino teachers na kadarating pa lamang sa Maui nang magkaroon ng wildfire.
Ang naturang mga guro ay bahagi ng Exchange Visitor Program.
Patuloy din ang paghahatid ng tulong ng Filipino community sa mga kapwa-Pinoy na naapektuhan ng Maui wildfire.
Facebook Comments