Kinakailangan nang sumailalim sa quarantine sa isang government-designated facility ang mga Pilipinong uuwi sa Pilipinas na galing sa non-essential overseas trip.
Ito ang paalala ng Malacañang matapos bawiin ang ban sa non-essential trips.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga Pilipinong galing ng ibang bansa ay kailangang mag-quarantine habang hinihintay ang Polymerase Chain Reaction o PCR testing.
Batay sa mga itinakdang kondisyon sa non-essential travel, kinakailangang magsumite ang outbound Filipinos ng kanilang confirmed roundtrip tickets sa mga aalis na may tourist visas.
Mayroon din dapat travel at health insurance sakop ang rebooking at accommodation expenses sakaling ma-stranded o ma-ospital.
Kailangan ding may mailabas na deklarasyon na batid ng paalis na biyahero ang banta ng COVID-19.