Mga Pilipinong gumagawa ng New Year’s resolution, bumaba

Nabawasan ang mga Pilipinong gumawa ng New Year’s resolution o listahan na nais baguhin nitong 2019.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 33% ng mga Pinoy ang nagsabing gumawa sila ng New Year’s resolution noong nakaraang taon.

Mababa ito sa 46% na naitala noong 2017.


Lumabas din sa survey na 10% lang ang nagsabing halos lahat ng kanilang 2019 resolutions ay natupad o matutupad pa lang.

Mas maraming gumawa ng 2019 resolution sa Mindanao (39%), sumunod ang balance Luzon (32%), Visayas at Metro Manila na kapwa may 29%.

Isinagawa ang survey mula December 13 hanggang 16, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents.

Facebook Comments