Matagumpay na nakabalik sa bansa ang nasa tatlumpu’t anim na Pilipino mula sa Wuhan, China na itinuturing na ground zero ng 2019 novel coronavirus (n-CoV).
Sinundo ang mga ito ng repatriation team na binubuo ng taga-Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA) na umalis kagabi ng 10:15 p.m at dumating bago mag alas siyete ng umaga.
Naghintay ang mga nasabing OFW’s sa Wuhan Tianhe International Airport kung saan sila sinundo bago bumalik sa Clark International Airport.
Sa ngayon ay dadalhin sila sa New Clark City sa Tarlac para sa kanilang 14 na araw na mandatory quarantine sa loob ng Athletes’ Village.
Facebook Comments