May aasahan pa ring ayuda ang mga Pilipino sa susunod na taon sakaling magpatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na may P253.3 billion na inilaang pondo para sa mga cash assistance sa 2025.
Kabilang dito ang P205.5 billion sa Department of Social Welfare and Development o DSWD na kinabibilangan ng P114.1 billion para sa 4Ps; P49.8 billion sa social pension ng senior citizen; P35.1 billion sa protective services; P4.4 billion sa sustainable livelihood program; at P1.8 billion para sa walang gutom program.
Ang Department of Health, may alokasyon na P26 billion para sa medical assistance to indigent patients (MAIP); habang may P14.1 billion naman ang TUPAD ng DOLE.
Samantala, may fuel subsidy pa rin sa ilalim ng DOTr na pinondohan ng P2.5 billion para sa mga tsuper at operators na apektado tuwing tumataas ang presyo ng langis.
Mayroon ding P100 million para sa fuel subsidy ng Department of Agriculture o P50 million para sa mga magsasaka at P50 million para sa mga mangingisda.