Papayagan pa ring makapasok sa Pilipinas ang mga Pilipinong may medical emergencies mula sa mga bansang may bagong variant ng COVID-19.
Ito ang nilinaw ng pamahalaan matapos na palawigin hanggang sa katapusan ng buwan ang travel restriction sa mga biyaherong manggagaling sa 32 bansa na mayroon nang kaso ng COVID-19 UK variant.
Gayunman, kinakailangan nilang sumunod sa mahigpit na health protocols kabilang ang pagsasailalim sa mandatory 14-day quarantine.
Samantala, ayon kay National Task Force Spokesperson Retired General Resituto Padilla, hindi papayagang makapasok sa bansa ang mga dayuhang asawa ng mga Pinoy maliban na lamang kung ito ay medical emergency.
Habang hindi pa muna hinihimok na bumalik sa bansa para magbakasyon ang mga Filipino migrant workers.