Pinayuhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga mangingisdang Pilipino na iwasan munang pumalaot sa Scarborough o Panatag Shoal.
Ito ay kasunod ng isang video documentary kung saan ang mga mangingisda mula Zambales ay ikinuwento kung paano sila na-harass ng mga tauhan ng Chinese coast guard.
Ayon kay BFAR National Director Eduardo Gongona – mas mainam pansamantala na mangisda sa ating municipal waters.
Una nang sinabi ng Malacañang na handang magprotesta ang gobyerno basta may patunay na nangyayari ito.
Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command, wala pa silang natatanggap na anumang ulat kaugnay nito.
Facebook Comments