Mga pilipinong mangingisda sa Recto Bank, dapat bantayang mabuti ng PCG

 

Umapela si Senator Kiko Pangilinan sa Philippine Coast Guard na samahan ang mga pilipinong mangingisda sa Recto Bank.

 

Ayon kay Pangilinan, ito ay para hindi na maulit ang sinapit ng 22 mangingisdang pinoy na inabandona ng isang Chinese vessel sa karagatan matapos mabangga at lumubog ang sinasaksyan nilang fishing boat.

 

Diin ni Pangilinan, kailangan ng ating mga mangingisda ang proteksyon ng Philippine Coast Guard para makapaghanapbuhay sila sa ating karagatan.


 

Dagdag pa ni Pangilinan, hindi dapat basta na lang mabalewala ang masaklap na sinapit ng mga mangingisda sa kamay ng mga dayuhan.

Facebook Comments