Mga Pilipinong mangingisdang nasa EEZ, dapat protektahan ng pamahalaan – Robredo

Kasabay ng ikalimang anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitration case laban sa China kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea (WPS), inalala ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipinong mangingisdang nahihirapan dahil sa hindi sila makapasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na maraming Pilipino ang hindi batid ang impact ng panghihimasok ng China sa WPS.

Aniya, ang karagatang sakop ng EEZ ay dapat mapakibangan ng mga Pilipinong mangingisda ngunit sila pa ang pinapalayas.


Nakakagalit aniya dahil walang ginagawa ang mga awtoridad at hindi natutulungan ang mga mangingisda.

Ang EEZ ay 200 kilometro mula sa baybayin ng bansa. Ito ay konsepto na in-adopt sa 1982 United Nations Convention of the Law of the Sea.

Nakasaad dito na ang mga coastal states ay may karapatang mapakinabangan ang maritime resources sa lugar.

Facebook Comments