Mga Pilipinong may trabaho, mas dumami base sa pinakahuling survey ng PSA

Malaki ang itinaas ng bilang ng mga Pilipinong may trabaho base sa pinakahuling pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA nitong Abril 2022, nasa 2.76 milyon ang nasa labor force na walang trabaho, mas mababa ito kumapara sa 4.14 milyong Pilipino na walang trabaho noong nakaraang taon.

Nabatid na nasa 48.39 million ang bilang ng labor force sa bansa.


Ang employment rate ngayong Abril ay naitala sa 94.3%.

6.40 milyon naman ang bilang ng underemployed nitong Abril 2022 base sa pag aaral ng PSA.

Nitong Abril 2022, ang Northern Mindanao ang nakapagtala ng pinakamataas na labor force participation rate na nasa 68.7%. Sa kabilang banda, ang Davao Region ang may pinakamababang labor force participation rate na nasa 57.4%.

Sa usapin ng employment rate, ang Zamboanga Peninsula ang nakapagtala ng pinakamataas na nasa 97.1%, habang ang BARMM naman ang may pinakamababa na nasa 91.9% nitong Abril 2022.

Nitong Abril 2022, anim na rehiyon ang nakapagtala ng unemployment rate na mas mataas kaysa sa national average na nasa 5.7%. Ito ay ang NCR, Regions I, 4A, 5, 8, at BARMM.

Facebook Comments