Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Washington DC sa Filipino community sa Florida, USA matapos ang pananalasa ng hurricane.
Partikular na tinutunton ng embahada ang 168,000 Pilipino sa lugar kung saan karamihan sa kanila ay healthcare professionals.
Inalerto rin ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa South Carolina na sunod na tinutumbok ng bagyo.
Tinatayang 17,500 Pilipino ang naninirahan sa South Carolina.
Patuloy na naka-monitor ang embahada sa sitwasyon para matiyak na agad na mabibigyan ng tulong ang mga apektadong Pinoy.
Milyon-milyong mga indibidwal na sa Amerika ang naapektuhan ng hurricane na nagdulot ng matinding pagbaha at pagkawala ng supply ng kuryente.
Marami ring mga negosyo ang naapektuhan nito.
Facebook Comments