Mga Pilipinong nais magpabakuna kontra COVID-19, mas dumami – SWS

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong handang magpabakuna laban sa COVID-19.

Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Setyembre 27 hanggang 30 sa 1,500 respondent, lumabas na 64 percent ng mga Pilipino ang nagsabing handang magpabakuna.

Ito ay mas mataas ng siyam na puntos sa naitalang 55 percent noong Hunyo.


Sa mga handang magpabakuna, 25 percent ang fully vaccinated na habang 10 percent ang nagturukan na ng first dose.

Nasa 23 porsyento naman ang nagsabing sigurado silang magpapabakuna habang anim na porsyento ang nagsabing maaari silang magpabakuna.

Hindi naman sigurado kung magpapabakuna ang 19 porsyento habang 18 porsyento ang ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

Paliwanag ng SWS, isinagawa nila ang survey bilang inisyatibo sa pampublikong serbisyo.

Facebook Comments