Mga Pilipinong namatay sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19, doon na ililibing ayon sa Palasyo

Nilinaw ng Malacañang na ang mga Pilipinong namatay sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa COVID-19 ay doon na ililibing habang ang mga ibang namatay sa ibang dahilan ay iuuwi ang mga labi rito sa Pilipinas.

Nabatid na aabot sa 282 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang namatay sa nasabing bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang sundin ang nakaugalian o local customs sa Saudi Arabia hinggil sa paglilibing ng mga yumao.


Inatasan na ng Palasyo ang mga kaukulang ahensya na magpaabot ng tulong sa mga pamilya.

Nagpaabot naman ng pakikiramay at dasal ang Palasyo sa pamilya ng mga namatay.

Facebook Comments