Mga Pilipinong namimili ng bakunang ituturok sa kanila, binalaan ni Pangulong Duterte

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipinong namimili pa ng bakuna para makaiwas sa sakit na dulot ng COVID-19.

Kasunod ito ng ulat na dumami pa ang bilang ng mga Pilipinong tumangging magpabakuna kung saan batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 32 percent lamang ng 26 milyong Pilipino sa National Capital Region (NCR) ang ‘willing’ na mabakunahan

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte kagabi, sinabi nito na nangunguna ang Pfizer sa mga bakunang mayorya ng mga Pilipino ay nais ipaturok sa kanila.


Tumanggi naman itong suportahan ang ideya dahil kung Pfizer talaga ang gustong ipaturok ng karamihan, ay mahihirapan ang lahat dahil mataas ang demand sa bakunang ito.

Nilinaw naman ni Pangulong Duterte na hindi niya ipapamahagi ang bakuna sa Pfizer sa iisang lugar lamang dahil maraming Pilipino ang nangangailangan nito.

Sa ngayon, umabot na sa 4,495,375 ang bilang ng mga Pilipinong nabakunahan na kontra COVID-19; 1,029,061 dito ang fully vaccinated habang 3,466,314 ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.

Facebook Comments